MANILA, Philippines — Bukas na ngayon para magserbisyo sa publiko ang kauna unahang Blood bank station ng Philippine National Red Cross sa Quezon City.
Ito ay makaraang personal na pangunahan ni QC 5th district Councilor PM Vargas, head ng Red Cross Novaliches branch kasama si Congressman Alfred Vargas ang kauna unahang Blood Bank ng District 5 Quezon City na matatagpuan sa Pamilyang Malusog Building sa Barangay Hall Compound ng Greater Fairview Quezon City.
Ang gusali ay naitayo sa inisyatiba ni Councilor PM Vargas.
Anya, napapanahon ang pagbubukas ng blood bank dahil sa rami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo. Handa rin ang Red Cross na tumanggap ng blood donors para sa kabubukas na blood bank.
Nakiisa sa okasyon ang mga opisyal ng barangay Fairview sa pangunguna ni Chairman Joenel Quival at QC Red Cross OIC Janice Adolfo.
Ang Blood bank ay libreng magseserbisyo sa lahat ng mamamayan sa lungsod.
Sa pagbubukas ng Blood bank ay may mahigit 10 katao agad ang nagdonate ng kanilang dugo para makatulong sa mga nangangailangan nito.