Malabon Sports Complex bubuksan ngayon

Malabon City recorded a population of 365,525 in 2015.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Makaraang maantala bunsod ng pandemya, bubuksan na ngayong Biyernes, sa pangunguna ni  Malabon City Mayor Antolin A. Oreta III ang nasa 7,000 Sq. meters na Malabon Sports Complex na may apat na course sa Barangay  Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Kabilang dito ang 5-lane oval track para sa track and field games, long at high jumps, paghahagis ng discus, shot-put at javelin. Bukod pa rito ang  standard size na basketball at lawn tennis courts,  at slides.

Dahil pinatutupad ang  social distancing, may bleacher section na maaa­ring upuan ng 243 kataong manonood. Nakaibabaw ito sa dug-out ng mga manla­laro sa isang panig ng oval. Magagamit din ang parking slot sa loob nito para sa 18 sasakyan.

Sa atas ng alkalde, inilatag ni Sports Development Office (SDO) - OIC na si Jay I. Reyes ang mga house rules sa paggamit ng pasilidad alinsunod sa pagtalima sa itinatakda ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-MEID) at koordinasyon sa lokal na antas ng task force.

Pawang mga bakuna­dong Malabonian na 12 taong gulang pataas at naunang nakapagpa-iskedyul sa SDO ang maaaring gumamit ng pasilidad. Kailangan din ang pahintulot ng kani-kanilang barangay, vaccination cards, at health declaration forms.

Bukod kay Oreta, inaa­sahan ding kasama sa pagpapasina sina Cong. Jaye Lacson-Noel, Vice Mayor Bernard Dela Cruz, at Konsehal at Mayoralty candidate Jose Lorenzo ‘ Enzo’ Oreta.

Show comments