Higit P5 milyong shabu nasamsam sa Tondo

MANILA, Philippines — Nasa P 5,440,000 halaga ng shabu ang nasamsam mula sa apat na indibiduwal ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 Drug Enforcement Unit  sa isinagawang buy-bust operation, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Dantes Raymundo, 44, residente ng Bangkulasi, Navotas City; Robert Justiniani Jr., 30, driver ng Balut, Tondo; Malyn Alexisse Ong, 25, ng Bangkulasi Navotas; at Romel Ortilano, 28, ng Bienteriales, Valenzuela City.

Nakumpiska ang nasa humigit kumulang 800 gramo ng shabu matapos makabili ang nagpanggap na buyer dakong alas 12:40 ng hapon nitong Nobyembre 26, nang makipagkita ang mga suspek.

Naisalang na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 (selling and possession) ng Republic Act 9165 sina Raymundo at Justiniani habang Section 11 (possession) ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)sina Ong at Ortilano.

Show comments