MANILA, Philippines — Arestado kahapon ng Regional Field Unit NCR (RFU-NCR), Army Intelligence Regimen (AIR) at Masambong Police Station (PS 2) ang isang 57- anyos na lalaki na wanted sa kasong frustrated murder at arson sa Quezon City.
Ayon kay PLt. Col. Ritchie Claravall, Station Commander ng PS 2 ng Quezon City Police District (QCPD) si Gil Peralta, residente ng Bautista St., San Fernando Del Monte, QC ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated murder at arson na inisyu ni Judge Conrado Tabaco, ng Branch 09, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Aparri, Cagayan.
Nakumpiska sa suspek ang caliber 5.56mm Colt, caliber .9mm Armscor, 32 piraso ng mga bala, 93 inches detonating cup, MK2 fragmentation grenade, 12 piraso ng blasting cup, walong improvised boosters, holster ng pistol, cellular phone, at iba’t ibang paraphernalia sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED).
Nakapiit na ang suspek sa RFU-NCR habang inihahanda ang mga karagdagang kaso laban dito.