P9 milyong puslit na sibuyas at carrots nakumpiska sa Valenzuela warehouse

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Sevice (MICP-CIIS), ang tinata­yang aabot sa P9 milyong halaga ng smuggled agricultural products gaya ng mga red onions, carrots, luya at munggo sa isang bodega sa Brgy. Ugong, Valenzuela City kamakailan.

Ang pinagsanib na puwersa mula sa MICP-CIIS at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana ang nanguna sa operasyon sa bodega na pagma-may-ari ng Morehouse Marketing.

Nagprisinta ang mga anti-smuggling operatives ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, noong Biyernes, Oktubre 8, sa mga kinatawan ng bodega at kaagad na sinimulan ang inspeksiyon na nagresulta sa pagkakadiskubre ng may 8,000 sako ng iba’t ibang agricultural products, na karamihan ay mga red onions. Mayroon ding nakitang mga luya at mga munggo sa mga sako.

Ayon kay Customs De­puty Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, ang serye ng mga operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling efforts ng kagawaran.

“This is not a one-or two-time thing. This is a continuous effort from the bureau and the MICP-CIIS. The goal is not to allow even one sack of agri products to enter the country illegally because we cannot saturate the market with these smuggled pro­ducts. It will have such a huge impact on the economy, on our farmers,” pagtiyak pa ni Ramiro.

Pinuri naman ni Guerrero ang grupo dahil sa pagpapatupad ng LOA at aktibong pagtugis sa natatanggap nilang intelligence reports.

Show comments