MANILA, Philippines — Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa 98.39% na ang distribusyon ng enhanced community quarantine (ECQ) cash aid sa mga benepisyaryo nito sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).
Sa isang taped briefing nitong Sabado, sinabi ni Año na natapos nang ipamahagi ng mga local government units (LGUs) sa NCR ang may P11,075,148,000 para sa may 11,075,148 benepisyaryo.
Aniya, halos karamihan naman sa mga LGUs ay naka-100% completion na sa kanilang distribusyon.
Matatandaang una nang namahagi ang pamahalaan ng tig-P1,000 o P4,000 maximum na tulong pinansiyal para sa mga low-income individuals at families na apektado ng ECQ na ipinairal sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Bilang bahagi ito nang pagsusumikap ng pamahalaan na mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.