MANILA, Philippines — Limang ‘tulak’ umano ng iligal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Makati City Police, kung saan nasamsam sa mga ito ang P183,600 halaga ng shabu, sa isinagawang buy-bust operation, sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, kamakalawa.
Kinilala ni P/Col. Harold Depositar, hepe ng Makati City Police ang mga suspek na sina Abelardo Marcelo, alyas Mike, 42; isang alyas Lyn, 18; Eduardo Lozada, 41; Eoje Rustine Albania, alyas Yuds, 22; at Jeric Cate, 23.
Sa ulat, dakong alas-3:05 ng hapon nang isagawa ang buy-bust ng mga tauhan ng SDEU, Intelligence Section, at Sub-Station 3 ng Makati Police laban sa mga suspek sa San Antonio Street, Brgy. Pio Del Pilar.
Nasamsam mula sa kanila ang nasa 43 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 27 gramo katumbas ng halagang 183,600.00, isang cellphone, 2 coin purse, isang plastic box at ang ginamit na marked money sa operasyon.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).