Pagwalis sa fixers, pinalakas ng BI
MANILA, Philippines — Naglunsad ng panibagong kampanya ngayon ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga fixers na patuloy na nag-ooperate sa kabila ng pandemya at binibiktima ang mga dayuhan na nais makapasok at manatili sa bansa.
Sa inilabas na advisory ni Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi niya na kinokondena niya ang lahat ng uri ng fixing at muling pinaalalahanan ang mga opisyal at empleyado ng ahensya na huwag maging sangkot sa naturang ilegal na gawain.
Iginiit niya na mahigpit na ipinagbabawal ang mga opisyal at empleyado ng serbisyo kapalit ng pera para mapabilis ang transaksyon ng kanilang mga kliyente. Sinumang mapapatunayan na sangkot ito ay maparurusahan ng pagkakulong ng hindi hihigit sa anim na buwan at multa na aabot sa P200,000.
Kamakailan, nakatanggap rin si Morente ng dokumento ukol sa pag-aalok ng ‘immigration airport assistance’ at paniningil ng isang pribadong kumpanya sa mga dayuhan na nais makapasok sa bansa kapalit ng kanilang tulong para mapabilis ang proseso.
“This company is allegedly charging P5,000 as Airport Assistance Fee, another P5,000 for processing fee, and P20,000 for a Department of Foreign Affairs (DFA) Invitation Letter,” ayon kay Morente na idinagdag na ginagamit ng kumpanya ang pangalan ng ahensya ng pamahalaan para maitaas ang sinisingil nilang halaga.
Pinaalalahanan ni Morente ang mga dayuhan na hindi sumisingil ang BI ng anumang ‘immigration assistance fee’. Pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa naturang kumpanya na hindi muna niya binanggit ang pangalan.
Sa mga nabiktima ng mga fixers, pinayuhan sila ni Morente na magsumbong sa kanilang Immigration Helpline sa pag-email sa immig[email protected], o dumirekta sa Committee on Good Governance at administrative division ng BI.
- Latest