MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinansela ng Quezon City government ang kontrata nito sa Zuellig Pharma Corporation’s booking services, EzConsult makaraang magkaroon na naman ng aberya sa pagrerehistro ang mga taga-lungsod para sa pagbabakuna.
“We have already given Zuellig ample time to improve their system upon their request and yet their system has crashed again for the 9th time. We don’t want to cause undue stress to our constituents who only want to register for vaccination,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte .
Una nang nagbigay ng ultimatum ang lokal na pamahalaan na kanilang kakanselahin ang kontrata sa Zuellig oras na hindi maayos ang sistema at papalpak ulit sa pagrerehistro ng mga botante para sa pagpapabakuna. Martes ay nagkaroon na naman ng technical difficulties ang operasyon ng EzConsult dahilan para magdesisyon ang lokal na pamahalaan na ihinto ang kontrata rito.
Sinasabing noong maibalik ng Zuellig ang kanilang sistema makaraang makapag- upgrade ay dapat makapag-accommodate sila ng hanggang 50,000 users pero ang nangyari ay nasira ulit ito kayat hindi na nakatanggap pa ng mga bagong slot para sa mga magpapabakuna.
“ Imbes na mapadali, napabagal pa ang ating registration process. Ang nakakalungkot, taumbayan ang nagdusa, at nawalang saysay ang pagsisikap ng ating mga medical frontliners at volunteers na ilang buwan nang nagsasakripisyo para mapabilis ang ating vaccination process,” paliwanag ni Mayor Belmonte.
“The Information Technology portion of the Service Agreement with the city government will be terminated and damages will be claimed against Zuellig because of the delays, inconvenience and frustration that our QCitizens have experienced,” ayon kay City Atty. Orlando Casimiro.
Mula March 27, 2021, ang EzConsult ay sinasabing palaging nagkakaaberya sa pagrerehistro ng mga taga-QC na nais pabakuna dahilan para ma-delay ang adhikain ng vaccination program ng QC .
“We are filing appropriate charges against them through our Legal Department. We are doing this for the interest of our QCitizens and to protect their rights,” dagdag pa ni Mayor Belmonte.Nanawagan din si Belmonte sa mga taga QC na dumanas ng hirap sa pagrerehistro para makakuha ng slot sa bakuna sa EzConsult website na magrehostro na lamang sa city government-assisted QC Vax Easy portal https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy.