May kabit na pulis binalaan ni Eleazar

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ang pagkakaroon ng extra marital affairs ay paglabag sa kanilang code of ethical standards. Aniya, dapat na maging tapat ang bawat pulis sa kanilang asawa at pamilya.
Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Nagbabala si PNP chief  Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga pulis na maparurusahan ang sinumang mapapatunayang  may mistress o kabit.

Ayon kay Eleazar, ang pagkakaroon ng extra marital affairs ay paglabag sa kanilang code of ethical standards. Aniya, dapat na maging tapat ang bawat pulis sa kanilang asawa at pamilya.

“Kung may mag­rereklamo na original na asawa ay may pananagutan ang pulis at puwede pong matanggal sa serbisyo kung mapapatunayan,” ani Eleazar .

Sinabi ni Eleazar na marami siyang  natatanggap na impormasyon ng  kakulangan ng  sinasahod ng mga pulis at ito ay dahil sa pagkakaroon ng ‘kabit’.

Giit ni Eleazar, ang pagiging tapat sa tungkulin ay pagiging tapat din sa asawa at pamilya. 

Show comments