^

Metro

Rider nakaladkad ng trak, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang motorcycle rider makaraang masagasaan at makaladkad ng isang deli­very truck na hindi huminto sa red signal ng traffic light sa may Osmeña Highway sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Benedict Jose Gonzales Sungalon, 42, residente ng Makati City.  Isinugod siya sa pinakamalapit na pagamutan ng mga tauhan ng Makati City Rescue Unit ngunit hindi na umabot ng buhay.

Pinaghananap naman ang driver at pahinante ng Isuzu Wing van na may plakang RJT-110na kapwa tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng Makati City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Pres. Osmeña Sr. Highway at A. Arnaiz Avenue sa Brgy. Pio del Pilar, ng naturang lungsod.

Sa kuha ng CCTV, patawid na mula sa Arnaiz ang Mio type scooter na minamaneho ni Sungalon nang mag-berde ang traffic light. Dumiretso naman ang trak sa kabila na naka-pula na sila dahilan para masalpok ang biktima na nakaladkad pa ng ilang metro bago huminto ang trak.

Umabante pa ng kalaha­ting kilometro ang truck na nakapangalan sa NCM Marketing Corp. bago tumigil saka nagsitakas ang dalawang lalaking sakay nito. Kinailangan pang alisin ang nayuping motorsiklo bago naalis ang truck sa kalsada.

Pinaghahahanap ngayon ng Makati City Police Traffic Investigation Unit ang dalawang sakay ng truck at nakikipag-ugnayan sa may-ari nito upang makilala ang dalawang suspek.

vuukle comment

NCM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with