MANILA, Philippines — Nagkaloob ng hydration support ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa COVID-19 medical frontliners sa panahong muling ipinairal ang enhanced community quarantine sa NCR PLus.
Nagkaloob ang Maynilad ng 14,000 piraso ng bottled water at pagkain sa 42 private at public hospitals sa Metro Manila.
Aktibong nagkakaloob ng ayuda ang Maynilad para sa COVID-19 initiatives ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng alcohol at disinfection materials, gayundin ng free water supply sa mga government quarantine at testing facilities sa West Concession area.
Noong 2020, ang Maynilad ay nagpagawa ng P15-million COVID-19 testing at laboratory center sa loob ng Delos Santos Medical Center (DLSMC) compound sa Quezon City para tulungan ang pamahalaan sa testing capacity para maibsan ang epekto ng pandemic.