^

Metro

Quarantine pass sa Maynila paiiralin muli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para makontrol ang galaw ng tao sa bawat barangay, muling paiiralin ang quarantine pass para sa mga residente ng lungsod habang nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region at katabing mga lalawigan o NCR plus bubble.

Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Barangay Bureau (MBB) na mag-isyu ng quarantine pass para gamitin ng may mga pangangailangang lumabas ng bahay simula Marso 29 hanggang Abril 4.

Sa memorandum ni MBB director Romeo Bagay, lahat ng barangay chairman sa lungsod ng Maynila ay inatasan na mag-isyu ng isang qua­rantine pass kada isang pamilya. Magiging ‘Odd-Even Coded’ ang format ng quarantine pass para sa schedule ng paglabas.

Ang odd numbers (1-3-5-7-9) ay makakalabas ng Lunes, Miyerkoles at Biyernes mula 5am-6pm at kapag Linggo ay maaaring lumabas ng mula 5am ng madaling araw hanggang 11am.

Samantala, ang mga even numbers (2-4-6-8-0) ay makakalabas ng Martes, Huwebes at Sabado mula 5am-6pm at kapag Linggo ay mula 12noon hanggang 6pm.

Pinapayagan naman na makalabas ng bahay ang mga essential wor­kers at iba pang emple­yado ng pamahalaan batay sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Samantala, inianunsiyo ni Moreno na nakapagtala ng 837 bagong mga kaso ng COVID-19 hanggang nitong Sabado.

Marami umano sa mga nagpositibo ay may na-detect na bagong va­riants.

QUARANTINE PASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with