Provisional Toll Rates sa Skyway Stage 3 Project, aprub na ng TRB

Base sa inilabas na toll rates, aabot sa P150 ang singil para sa Class 1 mula Buendia Makati papuntang Sta. Mesa Maynila, P30 naman mula Sta Mesa hanggang Ramon Magsaysay, P129 naman mula Ramon Magsaysay patungong NLEX Balin-tawak habang P264 mula Buendia Makati patungong NLEX Balintawak.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll rates sa Skyway Stage 3.

Base sa inilabas na toll rates, aabot sa P150  ang singil para sa Class 1 mula Buendia Makati papuntang Sta. Mesa Maynila, P30 naman mula Sta Mesa hanggang Ramon Magsaysay, P129  naman mula Ramon Magsaysay patungong NLEX Balin-tawak habang P264  mula Buendia Makati patungong NLEX Balintawak.

Para sa mga class 2 na sasakyan, ang rates ay doble ng singil sa Class 1 at triple naman sa Class 3.

Pero kahit aprubado na ang provisional toll rates, wala pa ring itinakdang araw ang TRB para sa pagsisimula nang paniningil.

Maglalabas pa ang ahensya ng bagong kautusan kung kailan dapat magsimulang maningil ang San Miguel Corporation para dito.

Show comments