Delivery rider timbog sa P72K droga

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 40-anyos na delivery rider nang madiskubreng may dalang malaking halaga ng ilegal na droga, sa isinagawang ”Oplan Sita” ng mga tauhan ng Las Pñas Police, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District, Director P/Brig. General Eliseo Cruz ang suspek na si Mark Gil Terrobias, rider ng kilalang delivery service company at residente ng Gatchalian Subdividion, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Dakong alas 9:15 ng gabi nang pahintuin ng grupo ni P/Col. Rodel Pastor ang motorsiklo ni Terrobias sa Plaza Quezon, Real St., Brgy. Elias Aldana, Las Piñas.

Nang rikisahin natagpuan sa pag-iingat nito ang dalawang plastic sachet ng shabu na tinatayang 10.7 gramo na nagkakahalaga ng P72,760.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs ang suspek.

Show comments