Presyo ng gulay sa Balintawak, bumaba, mamimili dumagsa

Ito ay nang dumagsa ang tone-toneladang suplay ng gulay mula Central Luzon sa Juliana Market sa Balintawak at kaya naman dinumog ito ng mga mamimili.
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang presyo ng mga panindang gulay sa Balintawak sa Quezon City

Ito ay nang dumagsa ang tone-toneladang suplay ng gulay mula Central Luzon sa Juliana Market sa Balintawak at kaya naman dinumog ito ng mga mamimili.

Ayon kay  Agriculture Asst Sec. Kristine Evangelista, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture, P65 lamang ang bawat kilo ng Ampalaya kumpara sa P100 sa ibang pamilihan. Ang sitaw naman ay nasa P30 kada kilo, P65 sa bawat kilo ng talong, P70 bawat kilo ng kalabasa at P40 bawat kilo ng pechay. Nasa P80 ang bawat kilo ng repolyo, P90 ang kilo ng carrots habang P210 lamang ang bawat kilo ng siling labuyo kumpara sa P900 bawat kilo sa ibang pamilihan.

Nabatid na 80 metric tons ang dumating na gulay kahapon mula Central Luzon at mismong DA ang nag-inisyatibo na dalhin ito sa Metro Manila.

Ayon kay Evangelista, nag-iikot na sa maraming public market sa NCR ang Kadiwa on Wheels upang tulungan ang mamimili na makabili ng mga pagkain na may mababang presyo lamang at mapigil ang pagsasamantala ng mga tiwaling negosyante na nananamantala ng presyo ng bilihin ngayong pandemic.

Show comments