Murang mabibili
Umaabot sa 80 metrikong tonelada ng ibat- ibang uri ng gulay mula sa Central Luzon ang ipinasok kahapon sa Metro Manila para suportahan ang kakulangan sa suplay nito sa Kalakhang Maynila na may murang halaga lamang.
Ayon kay Agriculture Region 3 Director . Crispulo Bautista, pawang mga pangunahing gulay na madalas gamitin sa mga sambahayan ang dadalhin sa Juliana Market sa Balintawak Quezon City para agad ibenta sa iba’t-ibang pamilihan sa Metro Manila .
Sinabi ni Bautista na mababa ang presyo ng mga gulay mula Central Luzon.
Ayon kay Agriculture Asst. Sec. Kristine Evangelista, 20 porsyento na mababa ang presyo ng mga gulay na manggagaling sa Central Luzon.
Nitong lunes, dumating naman ang dalawang metriko toneladang karne ng manok at 700 kilo na mga gulay na dinala sa Agriculture Training Institute na nanggaling sa CALABARZON o Region 4A upang may mabiling murang gulay at manok sa lugar.
Ginawa ng ahensiya ang hakbang dahil sa pag-abuso na ng maraming negosyante na sobrang magtaas ng panindang karne at gulay na halos hindi na makayanan ng mamamayan ang halaga lalo pa’t panahon ng pandemic na marami ang hirap sa buhay dahil sa rami ng nawalan ng trabaho.