MANILA, Philippines — Bulagta ang isang construction worker makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Tugatog, Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Marlon Santiago, 20, ng Acero Street, Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod.Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa katawan dahilan ng agaran niyang kamatayan.
Base sa imbestigasyon bago mag-alas-2 ng hapon habang ang biktima ay naglalakad sa may Plata St. Brgy. Tugatog patungo sa kanilang pinagtatrabahuhan nang biglang sumulpot sa lugar ang riding-in-tandem na agad na nagpaulan ng bala ng baril sa biktima saka mabilis na nagsitakas.
Blango pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.