^

Metro

Cong. Malapitan itinalagang head ng HRET

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinirang si Congressman Gonzalo Dale “Along” Malapitan, kinatawan ng unang distrito ng Caloocan City bilang pinuno ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Ikinagalak ni Cong. Malapitan ang pagkakapili sa kanya ni House Speaker Lord Allan Velasco na aniya’y nagpapakita ng tiwala ng Kamara de Represen­tante, sa mambabatas.

Inaasahang mangu­nguna si Cong. Malapitan sa mga atas na tungkulin ng HRET kaya’t tiniyak niyang ipatutupad ang “pagiging patas at mabilis ng mga aksyon at pasya” sa mga kasong hahawakan ng naturang Tribunal sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ayon sa Konstitusyon, ang siyam (9) kataong HRET ay binubuo bilang natatanging korte na kinabibilangan ng tatlong (3) Hukom ng Korte Suprema at anim (6) na miyembro ng Kamara de Representante mula sa mga partido pulitikal sa loob ng Kamara.

Dinidinig at pinagpapasyahan dito ang mga inihahapag na kasong kinasasangkutan ng sinumang Kongresista sa bansa, kaugnay ng eleksyon.

Sa loob ng 18th Congress, itinalaga ni Speaker Velasco, nanungkulan mula nitong Oktubre, si Cong. Malapitan upang pangunahan ang Tribunal.

Naglilingkod katuwang ang kanyang amang si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ng ‘Tao Ang Una’ Party,’ napapabilang naman si Cong. Along Malapitan sa Partido Demokratikong Pilipino (PDP) Laban Party sa pambansang antas.

HRET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with