MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na negosyante ng hindi pa nakilalang salarin kahapon ng umaga sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas City Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang nasawing biktima na si Gualberto Arizala, Jr. ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan ng lungsod ay hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Tondo Medival Center sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Dakong alas- 6 ng umaga ng maganap ang insidente habang nakikipag-usap ang biktima sa isa niyang kapitbahay ng biglang sumulpot ang suspect.
Walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspect ang biktima bago tuluyang tumakas lulan ng motorsiklo.
Nagawa pang isugod ang biktima sa ospital pero hindi na naisalba ang buhay nito,
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.