Mas maluwag na physical distancing sa public transpo simula na

Photo kinuha huling Agosto nagpapakita ng mga pasahero ng bus na may suot na mandatory face masks at face shields habang pagpapraktis ng pisikal na distansya sa Caloocan City. Sinabi ng DOTR na isang bagong patakaran sa pagitan ng mga komunikasyon ay magiging optimize mula sa isang metro lamang 0.75 metro simula bukas.
Ernie Peñaredondo, file

MANILA, Philippines — Ipatutupad simula ngayon Lunes ang reduced physical distan­cing sa mga pampublikong transportasyon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Mula isang metro, magiging 0.75 metro na ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan, batay sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

“Sa current po na estado ng COVID-19, tayo na lang ‘yong natitira na nag-e-enforce nitong one meter na social distancing, especially po sa loob ng mga tren,” ani Transportation Undersecretary TJ Batan.

Pagkalipas ng 2 linggo, babawasan pa ang distansiya.

Kapag umabot na sa 0.3-meter physical distancing, inaasahang madaragdagan nang hanggang 50 porsiyento ang dami ng pasahero.

Bagaman nangangamba ang ­ilang pasahero, iginiit ng DOTr, maghihigpit pa sila sa patakarang “no face mask and shield, no entry.”

Palalagyan din ng handwashing stations ang ilang istasyon, at bawal ang paggamit ng telepono sa loob ng pampublikong sasakyan.

Balik-pasada naman simula Lunes ang higit 1,000 jeep sa halos 30 ruta sa Quezon City, Maynila at Muntinlupa.

Nasa 13,000 jeep ang nakakabiyahe na, malayo sa 70,000 driver na dating pumapasada.

Nanawagan ang grupong Piston na huwag nang utay-utayin at payagan nang pumasada ang lahat ng tsuper para mabuhay ng mga ito ang kanilang mga pamilya.

Bukod sa public uti­lity vehicles (PUVs), sakop din nito ang iba pang railway lines sa bansa, kabilang ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2, at Philippine National Railways.

Show comments