^

Metro

NavoSchool-in-a-box inilunsad

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nilunsad ng Navotas  na ng pamahalaang lungsod ng Navotas  ang  NavoSchool-in-a-box upang matiyak na tuluy-tuloy ang access sa edukasyon ng mga batang Navoteño.

Ipinamahagi ng City Schools Division Office (SDO) ang mga box sa piling mga magulang ng mga mag-aaral na naka-enrol sa kindergarten, grade 6, at grade 8 level sa  Bagumbayan Elementary School, Dagat-dagatan Elementary School, at Navotas National High School.

Ang mga box ay naglalaman ng mga textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies. Ang mga box para sa mga kindergarten pupil naman ay may kasamang hygiene kits at mga laruan na donasyon ng Philippine Toy Library at iba pang pribadong organisasyon.

Mula kahapon ay nagsasagawa na ang mga guro ng nabanggit na mga paaralan ng simulation ng distance lear­ning classes sa pamamagitan ng online messaging app o text message. Tatagal ito hanggang Hulyo 3.

Ang mga magulang ang gagabay sa kanilang mga anak para magawa ang mga takdang aralin at makamit ang mga hinahangad na learning competencies. Magpapasa sila ng mga actual output ng kanilang mga anak at pagtatasa ng module tuwing linggo.Samantala, ang mga guro ay parating makikipag-ugnayan sa mga magulang para ma-monitor ang pagkatuto ng mga bata at kung mayroon silang mga suliranin.

Ayon kay OIC Schools Division Superintendent Dr. Alejandro Ibañez, plano nilang ipamahagi ang mga box dalawang linggo bago ang opisyal na pagbubukas ng pasukan sa August 24.

SDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with