Taas presyo na naman sa petrolyo, ipinatupad

MANILA, Philippines — Muling magpapatupad sa taas-presyo sa petrolyo ngayong araw ang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Chevron Philippines at Total Philippines.

Epektibo alas- 6:00 ng umaga  ang pagtataas na P1.05 sa kada kitro ng gasolina, P0.85 sa diesel, at P0. 30 naman sa kerosene

Susunod din sa taas presyo ang PTT Philippines,Clean Fuel, Petro Gazz, Flying V, Unioil, Seaoil at Eastern Petroleum Philippines.

Epekto umano ang patuloy na pagsipa ng presyo ang presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Pitong magkakasunod na oil price hike na ang ipinatupad sa bansa simula noong Mayo 11.

Show comments