Doktor, nurse at midwives kailangan ng Quezon City

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Quezon City government ng mga doktor, nurse, at midwives para ilagay ng lokal na pamahalaan sa tatlong quarantine  HOPE facilities ng lunsod.

Bukod sa mga ito, kailangan din ng lokal na pamahalaan ng dagdag na medical staff na graduate ng 4-year health-related course na maaaring gawing  in- house duty sa kanilang mga pasilidad.

Ayon sa QC Health Department , hindi bababa sa P59,000 ang buwanang sahod para sa mga doctor habang P32,000 naman ang alok para sa mga nurses at aabutin naman ng  P15,000 hanggang P17,000 ang sahod para sa iba pang medical staff bukod sa dagdag  na P500 kada araw na hazard pay.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa hotline ng QC Health Department sa 703-4382.

Sa ngayon, may 81 pasyente ang ginagamot sa HOPE 1 facility at 41 dito ang confirmed COVID-19 patients, at 47 na pasyente sa HOPE 3 facility.

May 211 naman pasyente ang nasa HOPE 2 facility na naka-self isolate habang hinihintay ang kanilang resulta para sa swab test.

 

Show comments