PUJs, tricycles bawal gawing service sa magbabalik trabahong manggagawa

Sa ilalim ng MECQ, muling magbubukas ang ilang kompanya at mga establisemento at dapat mag-provide ang mga ito ng shuttle service para sa kanilang mga manggagawa.

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga tricycle at jeepney bilang service ng mga kompanya  para sa kanilang manggagawang magbabalik trabaho sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang sinabi kahapon ni Joint Task Force  Covid-19 Shield Chief Pol. Lt. Gen Guillermo Eleazar.

 “If we allow it po, it will open the gates for abuse. Mahihirapan po tayo sa enforcement.” ani Eleazar

Giit pa ni Eleazar na pinapayagan tumawid ang mga workers ng nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng  General Community Quarantine area patungong MECQ basta  may maipakitang work ID at nakalagay dito kung saan sila nakatira.

Sa ilalim ng MECQ, muling magbubukas ang ilang kompanya at mga establisemento at dapat mag-provide ang mga ito ng shuttle service para sa kanilang mga manggagawa.

Show comments