MANILA, Philippines — Umabot sa mahigit 16 na oras ang sunog na nagsimula sa isang bodega sa Veterans Compound, sa Western Bicutan, Taguig City.
Dakong alas-5:15 ng ha-pon ng Martes (Mayo 12) at naideklarang fire-out alas-9:47 ng umaga ng Miyerkules (Mayo 13) na umakyat sa ikatlong alarma, ayon kay Taguig Fire Marshal Supt. Randolph Bides.
Naospital naman ang isang lalaking kinilalang si Jaed Joseph Isifu, na nagtamo ng head injury nang mahulog mula sa bubungan ng nasusunog na bodega at agad ring naisugod sa ACE Hospital sa Pateros.
Inaalam pa ng Arson Investigation Unit ang sanhi ng sunog na nagsimula sa bodega ng mga carpet sa Grandeur Floor Coverings warehouse na matatagpuan sa Building A, JY & Sons Compound, Veterans Compound Wes-tern Bicutan, na pag-aari ng isang Sally Choa Tan.
Nahirapan ang mga pamatay-sunog na mapuksa ang apoy dahil pawang combustible materials ang nasusunog na mga bodega ng Grandeur Warehouse Nippon Express Warehouse, SPJ Appliances Warehouse, na mga carpet, rugs at appliances.