MANILA, Philippines — Nasa 60 pamilya ang tuluyang nawalan ng kanilang tirahan makaraang lamunin ng halos isang oras na sunog ang nasa 30 kabahayan kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Manila Fire District, alas-6:14 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay na pag-aari ni Rey Bucacao sa may no. 1482 Juan Luna St., Barangay 60 Zone 5, Tondo.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahilan para madamay ang mga katabing bahay. Alas-6:18 ng umaga nang agad na umakyat sa second alarm ang sunog. Alas-6:49 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang pagkalat ng apoy at alas-6:58 ng umaga nang tuluyan itong mapatay.