18 preso sa Correctional , 1 BuCor staff positibo sa COVID-19

Ayon kay Col. Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng BuCor, nagsasagawa na sila ngayon ng contact tracing at tes­ting sa CIW upang matukoy kung sino ang naka­pagdala ng sakit sa loob ng kulungan.
Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Kinumpirma kahapon ng pamunuan ng Bureau of Correction  na may 18 bilanggo sa Correction Institute for Wo­men (CIW) at isang staff sa Mandaluyong City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Col. Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng BuCor, nagsasagawa na sila ngayon ng contact tracing at tes­ting sa CIW upang matukoy kung sino ang naka­pagdala ng sakit sa loob ng kulungan.

Mismong si CIW Supt. Virginia Mangawit ang siyang nangunguna sa pagsasagawa ng contact tracing at examination sa mga presong nagpositibo sa virus.

Kabilang sa mga isinailalim sa COVID-19 testing sa tulong ng Philippine Red Cross ang 42 bilanggo  at 9 na BuCor Medical staff.

Sinasabing pawang mild symptoms lamang ang mga nakitaan na positibo sa virus habang ang iba ay asymptomatics.

Sa ngayon ay inilagay na sa isolation room ay kasaluku­yang minomonitor ang kalagayan ng mga nabanggit na preso.

Binibigyan din ng mga vitamins, gamot at food supplement ang mga nasabing preso upang mapalakas ang kanilang mga immune system.

Show comments