^

Metro

PNP magpapakalat ng ‘social distancing’ ambassador, sa mga palengke at barangay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
PNP magpapakalat ng ‘social distancing’ ambassador, sa mga palengke at barangay
Kasunod ito ng mga napapaulat na marami ang sumusuway sa ipinatutupad na social o physical distancing sa mga palengke at iba pang lugar kung saan madalas magtipun-tipon ang mga residente.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

Laban sa mga pasaway

MANILA, Philippines — Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Debold Sinas ang pagbuo ng social distancing patrol na tututok sa mga pasaway  habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) .

Kasunod ito ng mga napapaulat na marami ang sumusuway sa ipinatutupad na social o physical distancing sa mga palengke at iba pang lugar kung saan madalas magtipun-tipon ang mga residente.

Ilan dito ang mga naaresto sa pagsasabong sa ilang lugar sa Metro Manila, ang nagpaboksing sa isang barangay sa Tondo at siksikan  sa mga palengke.

Ayon sa kautusan ni Sinas, dapat ang lahat ng police stations sa NCR ay magde-deploy ng 2 hanggang 4 na pulis na may hawak na stick para magpatrulya sa mga palengke at manita sa mga hindi sumusunod sa physical distancing. Kailangan na nakasuot ng proper uniform, may suot na facemasks  at gloves na tatawaging ‘social distancing ambassadors”

Layunin nito na maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  na maaring  bunga ng gawain ng mga taong pasaway.

PALENGKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with