Mobile Botika, Bank on Wheels nag-iikot sa Caloocan

MANILA, Philippines — Bunsod sa patuloy na banta ng COVID-19,  patuloy din ang iba’t ibang serbisyo ng Caloocan City tulad ng Mobile Botika at Bank on Wheels upang mas maging madali at convenient  sa mga residente ang  pamumuhay. 

Ito ang binigyan diin ni Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM)  Engr. Jay Bernardo bilang tugon na rin ito sa  pinaiiral na social distancing at matagal na paghihintay.

Ayon kay Bernardo  libreng namimigay ng gamot at vitamins ang Mobile Botika bilang panlaban  sa sakit. Prayoridad na mabigyan ang mga bata at  senior citizens.

Ani Bernardo inaabisuhan ang mga residente sa araw ng pag-iikot ng Mobile Botika. Sa katunayan nagbigay sila ng libreng gamot sa  Brgy. 184, Brgy. 182, Brgy. 176 Ph. 5, Brgy. 176 Ph. 8B, Brgy. 171, Brgy. 64, Brgy. 49 at Brgy. 37. 

Naghatid serbisyo din ang “Bank on Wheels”. Dalawang Mobile ATM ang  nag -iikot at nagsisilbi sa mga residente upang makapag- withdraw ng cash gamit ang ATM cards ng local at international banks.

Nagpapasalamat naman ang mga residente kay Mayor Oca Malapitan at sa lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Philippine National Bank (PNB) para sa serbisyo ng “Bank on Wheels sa lungsod.

 

Show comments