MANILA, Philippines — May 242 mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang port of origin matapos na matuklasan na magta-trabaho nang ilegal ang mga ito dito sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commisioner Jaime Morente, ang nasabing exclusion order ay isinagawa matapos na ‘sibakin’ mula sa kanilang puwesto ang may 800 Immigration officers sa NAIA dahil sa kontrobersiyal na ‘pastillas’ modus na ibinunyag ng isang empleyado nito.
Nabatid sa ulat, na 79 banyaga ang pinaalis sa NAIA terminal 1 samantalang 33 sa NAIA 2 habang 130 ang sa NAIA terminal 3.
Sinabi ni BI Intelligence Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr., na karamihan sa mga dayuhan ay dumating sa ibat-ibang daungan sa bansa pero natuklasan na magta-trabaho ng ilegal sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila.
Ayon kay Manahan, ang mga dayuhan ay kinabibilangan ng mga Cambodians, Vietnamese, Indonesians, Myanmars, Malaysians at Chiese nationals na pinagdadakip noong nakaraang linggo.