Bagong SPD director, binalaan ang mga scalawag na tauhan

Sinabi pa ni Peralta na ipagpapatuloy niya ang kampanya kontra ilegal na droga partikular ang pagtutok sa mga ‘middle-level high-value targets’ at hindi lamang sa mga pipitsugin na drug personalities.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang bagong talagang Southern Police District (SPD) Director Col. Emmanuel Peralta sa mga tauhan na patuloy na hahabulin ang mga iskalawag na mga pulis partikular ang mga gumagamit ng mga ebidensyang sasakyan at mahihilig sa mga nightclubs.

Ito ang binitiwang pangako ni Peralta matapos ang opisyal na ‘turn-over ceremony’ kahapon sa SPD Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.  Pinalitan ni Peralta ang kontrobersyal na si B/Gen Nolasco Bathan na itinalaga sa National Capital Regional Police Office.

Sinabi pa ni Peralta na ipagpapatuloy niya ang kampanya kontra ilegal na droga partikular ang pagtutok sa mga ‘middle-level high-value targets’ at hindi lamang sa mga pipitsugin na drug personalities. 

Hahabulin din umano niya ang mga pulis na lumabag sa polisiya na bawal maglaro ng golf at mga sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Bukod dito, inatasan din naman si Peralta ni NCRPO Director M/Gen Debold Sinas na ipatupad ang ‘no take policy’, paglaban sa pag-recycle ng ilegal na droga at pagpatong sa ilegal na sugal. 

Show comments