Volunteers, kailangan ng Red Cross

Mayroon umanong tatlong shifting ang pag-e-empake ng mga relief goods, kung saan ang Shift 1 ay mula 9:00AM hanggang 12:00PM; ang Shift 2 ay 1:00PM hanggang 4:00PM habang ang ikatlong shift ay 4:00PM hanggang 8:00PM.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

Para sa relief sa Taal

MANILA, Philippines — Kailangan ng mga volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) upang mapabilis ang pag-aayos, pagre-repack at pamamahagi nila ng mga relief goods sa mga pamilyang nasa evacuation centers matapos na maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni PRC Chairman at Senador Ri­chard Gordon, ang mga indibiduwal na interesadong maging volunteer nila ay maaaring magtungo sa PRC Logistics and Multi-Purpose Center (PLMC) na matatagpuan sa likod ng PRC Tower, sa Pinatubo kanto ng Apo Street sa Mandaluyong City.

Hinihikayat ng PRC ang mga volunteers na magsuot ng pulang t-shirt at magdala ng sarili nilang lalagyan ng tubig.

Nabatid na ang schedule ng sorting at repacking ng mga relief goods ay sinimulan na kahapon, Enero 21 at magtatagal hanggang sa Linggo, Enero 26.

Show comments