MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na walang pagtataas sa presyo ng isda sa mga palengke sa Maynila bagamat may kakulangan bunsod ng epektong dulot sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Moreno na sa kasalukuyan, nanggagaling lamang ang mga supply ng isda sa Central Luzon at Cordillera Administrative Region.
Nabatid na ang karagdagang suplay ay manggaga-ling sa ilalim ng direktiba ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Pinaalalahanan din ni Moreno ang mga fish dealers na tanggapin ang nasabing suplay mula sa norte dahil karamihan aniya ng mga dea-lers ay tumatanggap lamang ng suplay mula sa kanilang mga suki.
Inatasan na rin ni More-no ang mga market admi-nistrator gayundin ang 17 palengke na tanggapin lahat ang uri ng supply galing sa norte.
Kadalasang nangyaya-ri na hinihintay ng mga ito ang kanilang mga suki na nagreresulta shortage at pagtataas ng presyo.