Bebot na dawit sa droga, tinigok sa Maynila

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Maydel Magcanlas, ng Guido-IV, Maypajo, Caloocan City, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Utas ang isang 33-an-yos na bebot na dati nang naaresto sa ilegal na droga nang pagbabarilin ng isang rider  sa panulukan ng Hermosa at Juan Luna Sts., sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Maydel Magcanlas, ng  Guido-IV, Maypajo, Caloocan City, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Tumakas ang suspek matapos makitang bumulagtang padapa ang biktima sakay ng isang Mio Sporty na kulay pink at kumbinasyong puti.

Sa ulat ni P/Staff Sergeant Roderick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:25 ng hapon kamakalawa nang maganap ang krimen sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay sumakay ng tricycle mula sa Maypajo, Caloocan at nagpahatid sa Gagalangin, Tondo.

Pagsapit sa nasabing lugar ay bumaba ang biktima na dito lumutang ang nag-iisang gunman at pi-naputukan ito ng ilang ulit  gamit ang kalibre 45 baril.

Dati na umanong ina­resto ng Caloocan Police ang biktima kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 Patuloy pa rin ang is­inasagawang imbestigasyon sa insidente.

Show comments