MANILA, Philippines — Bilang pagpapahayag ng kanilang paglaban sa pagdami ng kaso ng HIV/AIDS, nagsagawa ng oblation run ang mga miyembro ng UP Manila Alpha Phi Omega Fraternity kahapon.
Sa temang “End the Stigma, End the Surge: Fighting the HIV/AIDS Epidemic, Community by Community,” layon ng oblation run na buksan ang kaisipan ng publiko kaugnay sa lumalalang kaso ng naturang sakit. Ito’y bilang paggunita sa pagdiriwang ng World AIDS Day, bukas Disyembre 1.
Tumakbo ang APO nang nakasuot ng maskara at bitbit ang kanilang banner na may nakasulat na itigil na ang stigma sa mga taong may HIV/AIDS. Bukod sa pagtakbo na hubot-hubad, namahagi rin ng mga bulaklak na rosas na may kasamang mga condom ang APO fraternity.