Construction worker sa SEA Game venue nahulog sa scaffolding sa Rizal Stadium

MANILA, Philippines — Isang construction worker ng Rizal  Stadium na isa sa mga venue ng 2019 Southeast Asian Games ang sugatan  matapos  mahulog sa scaffolding.

Ang Rizal Stadium ang pagdarausan  men’s football event.

Ayon sa ulat ,  nagtatanggal na ng mga scaffolding si Richard delos Santos, 45, residente ng Franco St, Tondo, Manila, nang aksidenteng madulas at mahulog dahil sa pag-ulan.

Nangyari ang aksidente bandang alas-11:50 ng umaga ka­makalawa  at agad namang dinala si Delos Santos ng kanyang mga katrabaho sa Ospital ng Maynila para gamutin.

Marami ring nakapansin ng kawalan ng safety gear ng mga construction worker na gumagawa sa Rizal Stadium.

Show comments