Psoriasis Center sa RizalMed, inilunsad
MANILA,Philippines — Maaari nang makatanggap ng kumprehensibong lunas ang mga Pinoy na nagdurusa mula sa mode rate hanggang sa severe psoriasis.
Ito’y matapos na pormal nang ilunsad kahapon ng Rizal Medical Center (RizalMed) ang kanilang Psoriasis Center.
Pinangunahan ni Dr. Francisco Rivera IV, Chairman ng Department of Dermatology ng RizalMed ang isinagawang media launch ng Psoriasis Center na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa iba’t ibang departmento ng pagamutan.
Ibinahagi ni Dr. Rivera ang kakayahan nila sa paglikha o “development of clinical pathway”, research agenda at service delivery networks para sa kapakinabangan ng mga pasyente.
Masaya rin inanunsiyo ni Dr. Rivera na ang naturang Psoriasis Center ang siyang ‘End Referral Center” mula sa Eastern part ng Metro Manila na kinabibilangan ng Pasig, Mandaluyong, San Juan, Marikina, ilang bahagi ng Quezon City, Rizal area, Makati, Pateros, Taguig at Calamba, Laguna, Batangas, Quezon (CALABARZON).
“Our goal in the future is to make dermalology center like this, available and accessible to all Filipino nationwide” ani Dr. Rivera.
Aniya pa, plano rin nilang maglagay ng mga psoriasis center sa buong bansa.
Tiniyak din niya na patuloy na nagsisikap, nagpapakadalubhasa at gumagawa ng pananaliksik ang RizalMed upang mapataas pa ang kapabilidad na magbigay ng treatment at management kahit sa mga malalang kaso ng Psoriasis.
“At the RizalMed, there is now hope for the severe and seemingly hopeless cases of psoriasis” sabi pa ni Dr. Rivera.
- Latest