^

Metro

2 gunrunner tepok sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Tumimbuwang ang dalawang sinasabing gunrunner habang apat pang miyembro ng sindikato ang naaresto ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Caloocan.

Ang mga napatay na suspek ay sina Nelson Lorenzo at isang alyas “Mike Sultan”; habang ang mga nadakip naman ay sina Julius Abeja, Imelda Navida, Dande Camsarin, at Jesus Encarnacion.

Sa ulat ng NPD, ikinasa ang operasyon sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega, Oplan Salikop at Big Bertha ng CIDG katuwang ang mga tauhan ng District Special Operations Unit at Police Communtiy Precinct 3 ng Caloocan City Police dakong alas-3:30 ng hapon sa may Phase 9 Package 7A Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Isang pulis ang tumayong buyer na nakipag-deal sa suspek na si Lorenzo para makabili ng isang kalibre .38 baril kapalit ng P3,500 marked money.  Nang magkabentahan, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kaya agad na tumakbo papasok ng kanyang bahay kasama ang mga kasabwat.

Tinangkang tumakas ang mga suspek nang tumalon sa katabing lote ngunit sinundan sila ng mga nakaantabay na mga pulis na pilit silang pinasuko. Sa halip na tumalima, nagpaputok umano ang mga suspek kaya nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang-panig na nagresulta sa pagkamatay nila Lorenzo at Sultan, habang napilitan namang sumuko ang apat nilang kasamahan.

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang kalibre .38 baril, isang improvised gun o sumpak, ilang pakete ng shabu na may timbang na 100 gramo at may halagang P200,000; habang narekober din ang P3,500 marked money na ginamit sa operasyon.

GUN RUNNER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with