Pinaslang na vice mayor ‘di sangkot sa droga-PDEA

Si Yuson ay matatan­daang pinagbabaril at napatay habang nag-aalmu­sal sa isang karinderya sa Sampaloc, Manila noong Miyerkules.
Yuson

MANILA,Philippines — Hindi umano sangkot sa aktibidad ng ilegal na droga ang napatay na vice mayor ng Batuan, Masbate na si Charlie Yuson III.

Ito ay ayon mismo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino.

Sinabi ni Aquino na negatibo sa National Drug Information System list ni Pangulong Rodrigo Duterte si Yuson.

Si Yuson ay matatan­daang pinagbabaril at napatay habang nag-aalmu­sal sa isang karinderya sa Sampaloc, Manila noong Miyerkules.

Nasugatan din sa insidente ang kanyang dalawang kasama.

Una na rin namang sinabi ng abogado ng mga Yuson na hindi sangkot ang bise alkalde sa illegal drug trade.

May apat na katao naman na naaresto at itinuturong suspek sa krimen, ngunit nang masampahan ito ng kaso, ay ipinag-utos ng piskalya na i-release for further investigation ang mga ito.

Plano naman ng pamilya Yuson na isampang muli ang kaso laban sa mga suspek, dahil sa umano’y pagiging ‘highly irregular’ nito.

 

Show comments