^

Metro

Suspek sa pagpatay sa brodkaster sumuko

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isang mamamahayag na itinuturong isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang brodkaster ang sumuko sa pulisya sa Kidapawan City kahapon ng umaga. 

Bago pa man isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest­, inunahan na ng suspek na si Sotero Jun Jacolbe ang pu­lisya­ at kusang sumuko sa Ki­dapawan City Police.

Bukod kay Jacolbe, sina Bong Encarnacion at Junell Gerozaga ay mga suspek sa pagpatay sa komentarista na si Ed Dizon, ng Brigada News FM Kidapawan. 

Ang warrant of arrest laban sa mga suspek ay inilabas makalipas ang 15 araw pagkatapos na matanggap ng Office of the clerk of Court ng Regional Trial Court (RTC-12) ang kaso sa Kidapawan City at na-raffle ito sa sala ni Judge Henelinda Molina Diaz ng Branch 61.

Dahil dito, nakatakdang isilbi ang arrest order ng korte laban kina Encarnacion at Ge­rozaga.

Una nang pinabulaanan ni Jacolbe at Encarnacion na may kinalaman sila sa pagpaslang sa nasabing mamamahayag.

vuukle comment

SUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with