Sementeryo ng Muslim itatayo sa Maynila

MANILA, Philippines — Magpapatayo ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng Islamic Cemetery para  sa tradisyunal na paglilibing ng mga kapatid na Muslim.

Ito ang nabatid matapos iutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-aaral sa mga dapat bigyang kunsiderasyon sa kaugalian at ritwal sa pag­lilibing ng Muslim community.

“Kung may sementeryo para sa Pilipino at para sa Chinese dito sa Manila, bakit naman hindi tayo magtayo para sa mga kapatid nating Muslim?” aniya.

Aniya, alam niya na sagrado sa mga Muslim na mailibing ang bangkay sa loob ng 24 oras.

Dalawa lamang aniya ang Muslim cemetery sa Metro Manila kaya siksikan na kaya dapat na magkaroon din sa Maynila dahil malaki ang populasyon ng Muslim dito.

Sa kakulangan ng libingan, napipilitang ibiyahe sakay ng eroplano ang kanilang namayapang mahal sa buhay  patungong Mindanao, na hindi naman madali para sa gastusin sa mga ordinaryong Muslim na maliit lang ang badyet.

Show comments