Sa krisis, malalaman kung sino ang tunay mong kaibigan

Fishing boat, damaged in Recto Bank
Photo Release

MANILA, Philippines — Isang magandang balita ang nangyari noong Hunyo 28 sa Quezon City, tungkol ito sa sakunang naranasan ng 22 mangingisda sa Recto Bank na ang bangka nila’y nabangga noong Hunyo 9 hatinggabi ng isang pangisdang trawler mula sa Tsina.

Bilang suporta sa mataas na antas na diplomasya at maingat na pagtugon ni Pangulong Rody Duterte sa insidenteng ito na nakapagdulot ng sobrang daming emosyonal na reaksyon, at ito’y nagningas pa ng mga ‘di pagkakaunawaan tungkol sa kaibigan ng Pilipinas na bansang Tsina, agad na nagbigay ng tulong sa mga mangingisda ang grupo ng mga negosyanteng Tsino sa Pilipinas, ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII).

Ito ang mga ibinigay na ayuda ng FFCCCII:

  • P1.2 milyong piso para sa kabuuang rehabilitasyon ng bangkang pangingisda
  • P250,000 piso para sa kabuhayan ng 22 mangingisda at kanilang mga pamilya
  • 50 sako ng bigas na tatak Doña Maria, personal na donasyon ni Dr. Henry Lim Bon Liong
  • 5 pampublikong paaralan para sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ito ay bahagi ng pahayag ni FFCCCII president Dr. Henry Lim Bon Liong: “… ang FFCCCII—bilang isang organisasyong sumusulong sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya ng Pilipinas---ay ngayong Hunyo 28, 2019 magbibigay ng agarang tulong at suporta sa ating mga 22 kababayang mangingisda.”

Ang FFCCCII kasama ang mga mangingisda nang personal na iabot ang tulong noong Hunyo 28, 2019. Photo by Nilo Odiaman

“… binibigay namin ang tulong na ito sa ating mga kapwa kababayang Pilipino sa kanilang pagkabalisa---ang mga mangingisda,  ang may-ari ng bangkang pangisda at kanilang mga pamilya---sa hangaring makatulong sa pagpapagaan ng kanilang kalagayan," dagdag ni Liong.

“Nais naming ipahayag ang aming taus-pusong pag-aalala para sa kanilang kapakanan at ang aming pakikiisa sa kanila.”

***

Ito ay bahagi ng mga sinabi ni Felix Dela Torre, may-ari ng F/B Gem-Ver 1:  “… Sa panahon ng krisis natin malalaman kung sino ang ating mga tunay na kaibigan. Ang inyong napapanahon at walang pasubaling tulong ay ganap na makapagpapaayos na sa aming nasirang bangka. Ang inyong tulong ay nagbibigay sa amin ng bagong pag-asa…”

“Mula sa kaibuturan ng aming puso, muli akong nagpapasalamat sa Filipino Chinese community at sa FFCCCII. Pagpalain pa lalo kayo ng Diyos.”

***

Sinabi rin ni kapitan Junel Insigne, bilang kinatawan nilang 22 mangingisda: “Habang may buhay, huwag mawalan ng pag-asa, lalo na kung may suporta ng ating mga mababait na kababayan, tulad ng Filipino Chinese community at ng FFCCCII. Maraming salamat.”

***

Noong araw na binigay ang tulong, si FFCCCII presidente Dr Henry Lim Bon Liong ay sinamahan nina FFCCCII honorary president Robin Sy, 1st VP Alex Yap, VP William Gosiaco, VP George Chiu, VP Delfin Letran, VP William Yap Castro, VP Jeffrey Ng, Sec. Gen. Dr. Fernando Gan, Board members Tiong Rosario at George Cham ng Dagupan, Mindoro Filipino Chinese Chamber honorary pres. Sy Kim Sia at opisyal Harry Chua (siya’y konsehal rin ng San Jose),  Welfare committee chairman Bonifacio Lui at co-chairman na si Robert Ang, External Affairs Committee chairman Nelson Guevarra, FFCCCII staff Carlos Legaspi, at iba pa.

Espesyal na pasalamat sa masigasig na FFCCCII presidente na si Dr. Henry Lim (tumatawag pa 1:30 ng umaga para talakayin ang detalye ng pagtulong na ito), si FFCCCII VP Jeffrey Ng na Adviser ng aming FFCCCII Public Information & Media Committee na pinamumunuan ng inyong lingkod bilang chairman; ang masipag na mga vice-chairmen Dr. Lily Lim, Wanzen David at si Calixto Sy; idealistang mga miyembro sina Hubert Chua ng Ilocos Norte at Louella Ching Chan ng CNTV, mga tapat na staff sina Mela Ubalde at Clarissa Mediavillo.

***

Naniniwala ako na ang kawanggawa at pagtulong sa kapwa ay nagdudulot ng mabuting “karma”, ito ay maalab na pagpapahayag ng ating pasasalamat sa Diyos at sa lipunan. Ang pagtaguyod ng katarungan, kapayapaan at kabutihan ay moral na obligasyon nating lahat!

***

Sulatan ako sa willsoonflourish@gmail.com o @wilsonleeflores sa Instagram, Twitter, Facebook. Bumili at magbasa ng Philippine STAR para sa kolum ko. Basahin din https://investment.fwd.com.ph/experts/asia-s-business-leaders-and-what-we-can-learn-from-them.

Show comments