Computer shops sa MM, babantayan

12 estudyante nahuling naka-online game sa oras ng klase

MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga computer shop sa Metro Manila makaraang maaktuhan ang 12 senior high school students na naglalaro ng online games at gumagamit ng social media sa loob ng computer shop sa oras ng klase sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Hindi na pinangalanan ang 12 senior high school student na tinurn-over sa DSWD.

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, sa bisa ng Department of Education Order No.86 series of 2010, bawal pumasok sa mga computer shop, mall at sinehan ang mga estudyante kapag oras ng klase.

Dahil dito nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government units na maging aktibo sa pagbabantay dahil sa may kapangyarihan din sila na mag-inspeksyon sa mga computer shop.

Maliban dito, sinabi ni Eleazar na nakikipagtulu­ngan din sila sa mga opis­yal ng mga paaralan upang matiyak na hindi pakalat-kalat ang kanilang mga estudyante sa lugar na may mga computer shop.

Babala naman ni Eleazar na kanyang ipasasara ang mga computers shop at ilang establisimiyento kapag pinayagan ang mga estudyante na maglaro ng online game sa oras ng klase.

Show comments