Hazard pay ng traffic enforcers, ok sa MMDA

Ang pahayag ni Lim ay bunsod sa naging pag-aaral ni Emmanuel Baja, ng University of the Philippines’ National Institutes of Health, na ang mga traffic enforcer ng MMDA ay expose sa pollution, na dapat sumailalim sa mga check-up ngayong taon at bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga ito.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bukas si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa panukala ng isang scientist na bigyan ng hazard pay ang kanilang mga traffic enforcers.

Ang pahayag ni Lim ay bunsod sa naging pag-aaral ni Emmanuel Baja, ng University of the Philippines’ National Institutes of Health, na ang mga traffic enforcer ng MMDA ay expose sa pollution, na dapat sumailalim sa mga check-up ngayong taon at bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga ito.

Delikado umano sa kanilang kalusugan ang  madalas nilang nasasagap na carbon dioxide mula sa mga sasakyan partikular sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Sa pag-aaral ng grupo ni Baja, ang mga enforcer ang pinaka-busy sa mga major thoroughfares at vulnerable sa high blood pressure, edema at  respiratory problems.

Sabi ni Lim, magpo-provide ang ahensya ng mga gamot at insurance  ng ahensiya para sa kanilang mga enforcer.

Show comments