^

Metro

Dance instructor 9 beses binaril, kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 40-anyos dance instructor matapos itong siyam na beses na pagbabarilin sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Michael Allan Velasco, residente ng #102 C. Benitez St., Cubao, Quezon City, na nagtamo ng siyam na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kasalukuyan pang ginagamot sa E. Rodriguez Hospital.

Samantala, nakatakas naman ang gunman na nakilala sa alyas na ‘Ronie”, na inilarawang nakasuot ng itim na helmet at brown na jacket at lulan ng isang itim na Mio motorcycle.

Batay sa ulat ng Fairview Police Station 5 ng QCPD, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Champaca St., sa Brgy. Pasong Putik.

Bago ang krimen, dakong alas-8:00 ng gabi ay nasa bahay na ang biktima nang makatanggap ng isang text message mula sa suspek na nagsabing nais nilang kunin ang serbisyo nito upang turuan sila ng sayaw.

Nagkasundo ang dalawa na magkikita kaya’t kaagad na umalis ang biktima upang magtungo sa naturang lugar.

Dinala pa umano ng suspek ang biktima sa isang open court at saka ito pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang biktima, habang tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa krimen.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal .9mm pistola.

 

vuukle comment

DANCE INSTRUCTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with