Re-blocking ipapatupad sa ilang kalye sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Matinding trapik ang inaasahan ng mga motorista ngayong weekend dahil muling magpapatupad ng re-blocking sa ilang mga lansangan sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa abiso kahapon ng MMDA, simula alas-11:00 kagabi  hanggang sa Lunes ((Hunyo 10), alas-5:00 ng umaga ay isasara ang Southbound ng C-5 malapit sa Market-Market (2nd lane beside U-turn); EDSA bago mag-Aurora Boulevard (1st lane from sidewalk) at pagkatapos ng  Aurora Boulevard hanggang Arayat (1st lane from sidewalk).

Gayundin sa EDSA harapan ng  Guzent Construction Equipment )1st lane from sidewalk); EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop  hanggang  Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane) at Katipunan bago mag-F.B. Dela Roxas St.  hanggang  bago mag-approach ng  Katipunan/Aurora Flyover (3rd lane from sidewalk).

Apektado rin ang Northbound EDSA bago mag-General Roxas Avenue  hanggang pagkatapos  ng  Aurora Boulevard (1st and 2nd lane from sidewalk, intermittent); Quirino Highway Belfast Road  hanggang  Zabarte Road (1st lane from sidewalk);  General Luis St. malapit sa  Banahaw St. bound  hanggang  Caloocan City at  España Boulevard Ma. Cristina St.  hanggang  M. Dela Fuente St.

Umaga ng Lunes ay magiging passable na sa mga motorista ang nabatid na mga kalye.

Show comments