‘Kalat ninyo, linisin n’yo’!

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang tunay na lider ng bayan ay siya mismo ang na-ngunguna para alisin ang kanyang ikinalat.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato at pamahalaang lokal na pangunahan ang agarang paglilinis at pagtatanggal ng kanilang mga tarpaulin at iba pang election campaign material.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo  Año, ang tunay na lider ng bayan ay siya mismo ang na-ngunguna para alisin ang kanyang ikinalat.

“Manalo man o matalo, ipakita ninyo na kayo ay sport at malinis ang inyong hangarin para sa inyong pamayanan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa paglilinis sa inyong mga lugar,” anang DILG Chief.

Sinabi ni Año na lahat ng Kapitan ng Barangay, Punong-Bayan/Lungsod, at Punong-Lalawigan ay inaasahang mangunguna sa paglilinis katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan lalo na ang Sanitation Division o Environmental Management Office.

“Pagtulung-tulungan po natin ang pagtanggal ng mga kalat nitong  nakaraang eleksyon.  Ito ang ating unang hakbang para ipakita na magkakasama rin tayo sa pangangalaga at pagpapaunlad ng ating mga komunidad,” aniya.

Show comments