BCEO member, nabaril ang sarili

Ayon sa report, kasalukuyan umanong naka-duty si Mercado at ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Bahay Aruga, nang aksidenteng bumagsak sa sahig ang kanyang .38 caliber revolver.
File

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Batas Ciudad Enforcement Office (BCEO) ang sugatan nang aksidenteng mahulog ang kanyang baril, pumutok at tumama sa kanyang sariling hita habang naka-duty sa Bahay Aruga sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Joel Mercado, 32, residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Bahay Aruga, na matatagpuan sa Molave Street, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan.

Ayon sa report, kasalukuyan umanong naka-duty si Mercado at ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Bahay Aruga, nang aksidenteng bumagsak sa sahig ang kanyang .38 caliber revolver.

Pagtama sa sahig ay aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang kanang hita ng biktima.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ng kanyang kasamahan sa BCEO na si Donald Pedrosa ang biktima upang malunasan.

Show comments