Big time rollback sa gasolina, nakaamba
MANILA, Philippines — May nakaambang big time price rollback sa gasolina sa susunod na linggo.
Nauna nang nagpatupad kahapon ng big time oil price rollback ang Phoenix Petroleum, na nasa P1.30 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ng Phoenix, ang maagang pagpapatupad ng rollback ay upang makapag-avail ang mga motorista ng murang petrolyo sa loob ng mas mahabang panahon.
Wala namang inanunsyong rollback sa presyo ng diesel at kerosene.
Inaasahan naman mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo ang ilan pang kompanya ng langis sa kahalintulad na halaga.
- Latest